GENERAL TRIAS MUNICIPAL HIGH SCHOOL

Class ' 74 - ' 75

40th Anniversary

General Trias Convention Center

General Trias, Cavite, Philippines

February 14, 2015

 

KUNTIL BUTIL

By: Virgil Saliba

 

Ang nagdaang 40th Class Reunion ay sadyang napakahalaga para akin at para ating lahat. Ang loob 13 oras na pagsasama natin ay puno ng saya, hagalpakan at may mga sandali na sumagi sa atin isipan ang mga kaklase at guro na maagang pumanaw . Wari ko ba ay bumalik tayo sa ating pagkabata... sa pakikipaglaro sa bawat isa , sumayaw at biruan ng mga pangyayari ng tayo ay HS pa.

 

Sa loob ng 40 taong paghihiwalay, ang bawat isa sa atin ay mag kanya kanyang landas na tinahak na masasabing ang iba ay naging matagumpay at ang iba naman ay naging mailap ang ginhawa at di pinalad sa kanilang buhay. Masarap sanang umupo at makinig ang bawat kuwento ng kanilang buhay ngunit ang 13 oras na pagtitipon ay sadyang napakaikli . Ang iba ay may pait sa kanilang pakikibaka sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay at iba buo ang loob at patuloy sa pakikipagsapalaran sa hamon at umaasa na malampasan ang mga ito, ang iba ay nagpapasalamat sa mga biyayang nakamit at ang iba naman ay patuloy na lumalaban na malampasan ang mga di birong sakit na kanilang pinagdaraanan.

 

Naghahalong saya at lungkot na marinig ang kanilang buhay buhay, Saya dahil sa tagal ng panahon ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na muli ay makamayan, mayakap ang ating mga kaklase na matagal na nating di nakita at nabalitaan....Lungkot dahil sa tagal ng panahon ang dami dami ng pangyayari sa kanilang buhay at ang iba ay nagkasakit, nawala na , na di man lang nagkita at nakapagpaalam.

 

Ang ilan sa mga binasang messages coming from our classmates and teacher abroad ay sadyang napaka bagbag damdamin , di lamang na sila ay natutuwa na tayo ay magkasama samang muli , ngunit bakas sa kanila ang panghihinayang na sana ay narito rin sila upang sumabay at makihalobilo sa ating Class Reunion.

 

Sa nagdaang Class Reunion ay hindi doon nagtatapos ang lahat bagkus ito ay isang daan ng panibagong panimula ng ating pakikipagkaibigan at samahan sabawat isa sa atin. Mabibilang na rin ang mga nakaltas na batchmates sa ating Class Picture.

 

Habang narito ako at malakas pa rin...Pipilitin ko na sana ay maging buo ang ating GTMHS 75 Family at tulungan ninyo ako at ipagpatuloy na hanapin pa ang iba natin mga kabatchmates na di pa rin makita ..

 

Sa ating mga newly comer...Arnel Agasino, Francisca de Asis,Romarico Noma, Victor Rojas, Emmanuel Paguio,Pasciano Colada,Elizalde Mendoza,Ernesto Portuguez..Salamat sa inyong pagdating at sa mga Batchmates abroad.Maraming maraming Salamat sa inyong pagmamahal at pag alapa lalung lalu na sa mga batchmates na hirap sa buhay.....next time plano kayo na makauwi sa susunod na Class Reunion..

 

Masarap gunitain ang mga nakaraan at masarap balikan ang sariling bayan lalu nat mayroon kang masasabi at babalikan na tropa, kaklase at kaibigan...

 

Sa ating mga guro, Maraming Salamat at pinaunlakan ninyo ang aming paanyaya. Lalu sumaya at nagbigay buhay sa aming Class Reunion ang inyong pagdating...Maraming pong Salamat talaga..

 

Again, naging masaya at matagumpay ang ating Class Reunion at ang Feb 14, 2015 ay naging "A Day To Remember" para sa lahat...

Salamat sa Lahat and God Bless Us All.